![]()
Roberto "Bobby" Silvestre Domingo
![]()
![]()
Email: minreq@gmail.com
Address: 1444 F. Agoncillo, Ermita, Manila, Philippines
Home Phone: (632) 525-1770 Cellphone: (63922) 807-6265
Birthday: April 16
Ako po ay si Roberto Domingo, panganay sa limang anak ni Constancio Domingo at Erlinda Silvestre, at ipinanganak nang mahigit na limang dekada na ang nakalipas. Dati din kaming nakatira sa Fort Bonifacio noong nasa militar pa nagserbisyo ang aking ama.
Ipaumanhin ninyo ang aking pananalita pero nagtatagalog ako pag ako'y ninenerbyos. Salamat sa inyong pagdinig sa aking istorya.
Ako po'y asawa ni Caridad Arvisu at makikita ninyo sa ritrato magmula sa kaliwa ang aking pangalawang anak na si Rico katabi ng aking maybahay, tapos ako at ang panganay kong si Carlos, at ang aking bunso at paboritong anak na babae na si Bianca.
Ito pong mga ritratong ito ay pinagkukuha ng aking mga kapatid, kanilang maybahay at mga katulong nuong nakaraan na Pasko at Bagong taon sa tapat ng parke at laruang pambata sa labas ng bahay ng aming ina na si Ginang Erlinda Silvestre Domingo na kasama ko sa ritratong nakasilid dito sa pahinang pangsapot-gagambang pangmalawakan.
Ang ritrato na nasa baba ay ang buong pamilya ng mga Domingo. Wala po rito ang aking maybahay, at ang aking pangalawang anak na lalake at ang aking anak na babae. Sila ay pumunta sa Baguio upang dalawin ang ina ng aking maybahay. Nakikita po ninyo sa ritratong ito ang apat na kapatid ko, ang kanilang mga pamilya, at ang aking mahal na ina na nakatayo sa tabi ko. Ang magandang aso na kasama din namin sa ritratong ito ay membro na rin ng aming pamilya.

